Friday, March 10, 2017
Paano magTravel?
Paano nga ba? Palagi kong nababasa itong katanungan na ito mga FB travel groups.
Try ko nga gumawa kung papaano nga ba.
1. Alamin kung saan mo gustong pumunta at bakit ka pupunta doon?
Mahirap naman kung sasabihin mo na gusto mo magtravel tapos pag tinanong ka kung saan wala ka namang masasagot. Tapos kung masagot mo naman kung saan, bakit ka nga naman pupunta doon? Alamin mo ano ang gusto mong gawin, gaya ng aakyat ng Mt. UIap para makita ang sea of crowds.
Or sa masasa beach para magpictorial second sa paglangoy activity.
2. Petsa ng travel at gaano katagal?
Kung nasagot mo ang unang tanong kung saan mo gusto pumunta, next naman eh kung kailan? Maraming bagay ang dapat ilaan para dito. Una dapat makapag file ka ng bonggang leave at maaprubahan ito. Mas okay kung more than 30 days ang petsa ng travel mo para may panahon ka pa para makapag ipon at makapag research ng mga activities an pwedeng gawin sa pupuntahan mong lugar. Kung aakyat naman ng bundok may panahon ka pa mag jogging para preparation sa pag akyat
3. Budget
Di biro ang gastos sa travel. Gagastos ka sa pamasahe (kung malayuan naman pati airfare kasama), gagastos ka sa pagkaen, gagastos ka sa mga entrance or registration, at meron ren guide fee. Kung guided tour ang kukunin walang problema basta alamin lang kung ano ang kasama sa package. Kung DIY?Backpacking naman, mag research kung paano ba makapunta sa lugar na pupuntahan, magkano ang pamasahe at kung saan murang kumaen. Pwede ren naman magbaon. Alamin ren kung magkano ang bayad sa mga attractions.
4. Itinerary
Kung guided tour madali lang, susunduin ka nalang sa accommodations, sasakay sa shuttle at hayahay na ang buhay. Pero kung gusto mo naman na hawak ang oras mo at mag DIY/Backpack kelangan merong kang plano sa buhay. Gumamit ng Excel para i-plot ang araw araw na activity.
Mga dapat na ilagay sa column ay kung anong araw, anong oras, anong gagawin. Mas okay ren kung masasama mo yung pangalan ng Hotel, pangalan ng Guide at contact nya pati na ren yung budget na nakalaan para dun.
5. Mga dapat dalin.
Damit. Toiletries. Electronics. Pera. ID's.
a. Damit - Polo/Shirts/Shorts/Undies/Pants/Socks/Shoes/Panyo
b. Toiletries - Shampoo/Sabon/Toothpaste/Toothbrush/Facial Wash/Tissue/Wet Tissue
c. Electronics - Cellphone/Charger/Camera either point and shoot/action cam/slr or all of the above
d. Pera - Pambili ng pasalubong, barya para sa paid restrooms, etc
e. ID's - may mga hotels na need ng ID para makapag checkin
Wag ren kakalimutan magdala ng Twalya, Travel Pillow at Kumot.
6. Execution
Kung okay na ang lahat ng nasa taas. Magdasal ka muna kay God na gabayan ka pag travel.
Pangalawa magsabi sa magulang/kapatid at kaibigan. Pangatlo lumabas ng bahay dalin ang gamit at umpisahan na ang travel.
Naway medyo makatulong ang post na ito. Kung kayo po ay may katanungan. pa Comment nalang po. Maraming salamat and enjoy travelling. :)
Subscribe to:
Posts (Atom)